Volunteer para kay Bro. Eddie

January 22, 2010 by Ems   Comments (2)

Kumusta po mga kababayang Pilipino

Magtatanong lang sana ako kung anong aspeto pa po ang kinakailangan ng volunteer? Dati po akong volunteer ng Bangon noong nakaraan na 2004 Elections. Gusto ko po ulit mag volunteer kaya lang po medyo busy po ako sa trabaho kaya kung nangangailangan po kayo ng volunteer sa mga aspetong hindi nangangailangan ng masyadong madaming oras, nais ko po sanang mag volunteer. Salamat po

Ang layunin ng pangangampanya ay makahikayat ng mga taong maniniwala at sasang-ayon sa layunin at plataporma ng Bangon Pilipinas Party at ihalal o iboto si Bro. Eddie Villanueva sa Pang-Pangulohang posisyon. Kung ikaw ay nagtatrabaho, bakit hindi mo ikampanya si Bro. Eddie at ang line-up ng Bangon sa iyong workplace. Hindi naman kailangan sumama sa mga kampanya, mas mainam kung una nating mahikayat ang mga taong nakapalibot sa atin. Gaya ng mga kaibigan, kamag-anak o katrabaho.

arnold_not2x 44 days ago

Nagsisimula na po akong gawin iyon. Ako siguro ay hindi naging maliwanag sa aking tanong, bukod po sa "pangagampanya" sa mga kaanak, kaibigan at katrabaho, sa paanong paaraan pa po kayo tumatanggap ng "volunteer" para kay Bro. Eddie? Salamat po

Ems 43 days ago